Senate special committee na tutok sa Central Post Office rehab inaprubahan

By Jan Escosio June 02, 2023 - 12:14 PM

SENATE PRIB PHOTO

Sinang-ayunan ng mga senador ang resolusyon  para sa pagbuo ng special committee na tututok sa  rehabilitasyon ng Manila Central Post Office.

Sinabi ni  Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang sponsor ng resolusyon,  ang sunog noong May 21 na nagresulta sa pagkasira ng iconic building at kilalang landmark sa Maynila ay pumukaw ng atensyon ng maraming Filipino na labis na nalungkot sa pangyayari.

Alinsunod sa resolusyon, mandato ng komite ang pag-aaral, pagrebisa, pag-assess, pagsusuri at pag-iimbestiga sa value aspects na may kinalaman sa reconstruction at rehabilitation ng historic site gayundin ang pagkunsidera sa mga opsyon ng  redevelopment. Itinalaga namang miyembro ng kumite kasama ni Legarda sina Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, Sens. Pia Cayetano, Nancy Binay at Sonny Angara.   Umaasa si Legarda na ang insidente ay magsisilbong wake up call para buhayin ang dedikasyon at pagtutulungan ng lahat upang protektahan ang cultural legacy para sa mga susunod na henerasyon.

TAGS: post, Senate, post, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.