Biyaheng Calamba-Alabang ng PNR titigil sa Hulyo 2

Eksaktong isang buwan na lamang ang itatagal ng biyaheng Calamba sa Laguna hanggang Alabang sa Muntinlupa City ng Philippine National Railways’ (PNR). Ito ang inanunsiyo Transportation Undersecretary for Railways  Cesar Chavez at aniya para bigyan daan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) system. Ayon pa kay Chavez dalawang biyahe lang naman ang maapektuhan simula sa Hulyo 2, ang 4:38am at 7:56pm na mga biyahe. Sabi pa ng opisyal, tinatayang 467 pasahero sa bawat biyahe ang maaapektuhan. Aniya ang kanilang itatayo ay elevated, double-track alt electrified train system sa ibaba ng kasalukuyang linya ng riles. Papalitan ng bagong NSCR system ang kasalukuyang street level, single track at diesel locomotive set-up. “The Alabang to Calamba train service will be temporarily suspended to give way to a major construction that will result in a modern train service that will ferry more people, to more places, fast and safe,” ani Chavez. Inaasahan na matatapos ang bagong railways system sa loob ng limang taon. Ang itatayong railway system ay may distansiyang 147 kilometro mula Clark, Pampanga hanggang Calamba City. Ang mga apektadong istasyon ay ang Alabang, Muntinlupa, San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, Mamatid, at Calamba.

Read more...