NCR COVID 19 positivity rate bumaba – OCTA

By Jan Escosio June 01, 2023 - 03:33 PM

Bahagyang bumaba nitong nakalipas na pitong araw ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila.

Ito ang ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Sa tweet ni David, sinabi nito na ang positivity rate mula Mayo 23 sa Metro Manila ay 19.9 percent noong nakaarang Martes, Mayo 30 mula sa pinakamataas na 24.4 percent.

Samantala, ang hospital bed utilization sa NCR ay nanatili sa “low occupancy” bagamat bumaba din ang mga bilang ng mga may COVID 190 sa mga ospital.

Sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) kailangan mas mababa sa 5 percent ang positivity rate para maikunsidera na “under control” ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

 

TAGS: COVID-19, Metro Manila, OCTA, positivity rate, COVID-19, Metro Manila, OCTA, positivity rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.