Sunog sa QC, 3 bata isinugod sa ospital

By Chona Yu June 01, 2023 - 11:29 AM

CHONA YU PHOTO

Tinupok ng apoy ang ilang bahay  sa Makaya Street, Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Fire Marshall Senior Supt. Aristotle Banaga, itinaas ang unang alarma ng 9:11 ng umaga at umabot ito ikalawang alarma bandang 9:15. Idineklarang “fire under control” alas-10:30.

Sinabi pa ni Banaga, iniimbestigahan pa ng kanilang kung ilang bahay ang natupok ng apoy at kung ilang pamilya ang naapektuhan.

Inaalam na ng arson investogators ang sanhi ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang napinsala.

Sinabi naman ni Quezon City  6th District Rep. Marivic Co-Pilar tatlong bata ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng anxiety attack.

Tiniyak ng opisyal na bibigyan ng ayuda ang mga nasunugan.

TAGS: BFP, QC, sunog, BFP, QC, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.