Rep. Arnie Teves pinatawan ng bagong 60-day suspension, sinipa sa mga komite
Walang tumutol na mga kongresista sa rekomendasyon na muling patawan ng 60-araw suspensyon si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Inihain sa plenaryo ni COOP-NATCO Partylist Rep. Felimon Espares ang rekomendasyon ng pinamumunuan niyang Committee on Ethics and Privileges at sa botohan, 285 ang sumang-ayon, walang tumutol, samantalang may isa naman na nag-abstain.
Kasabay nito, tinanggal na rin si Teves bilang vice chairman ng House Committee on Games and Amusement at bilang miyembro ng Committee on Legislative Franchises at Committee on Nuclear Energy.
“The Committee found that the unauthorized absences of Rep. A. Teves, Jr., aggravated by his act of seeking political asylum in Timor-Leste, resulted in his failure to perform his duties as House member,” ani Espares sa pagbasa ng Committee Report (CR) No.660.
Una nang pinatawan ng 60-day suspension si Teves noong Marso 22 dahil sa pagiging “absent without official leave” at nagtapos ito noong Mayo 22.
Noon pang Pebrero 28 umalis ng bansa si Teves at nagtungo sa US para sa isang “medical procedure.”
Makalipas ang apat na araw, pinatay si Negros Oriental Gov. Roel Degamo at nadamay ang siyam iba pa.
Mananatiling si House Speaker Martin Romualdez ang “caretaker” sa distrito ni Teves.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.