Ex-UP student leader, isa sa apat na napatay sa N. Samar clash
Kinumpirma ng Army 8th Infantry Division na isa sa apat na napatay na rebelde sa engkuwentro sa Catarman, Northern Samar ay dating mataas na opisyal ng Bayan-Eastern Samar.
Kinilala ang napatay na si Musico Sagdullas, dating Regional Secretary-General ng nasabing militanteng grupo at dating chairman ng UP – Visayas (Tacloban Campus) College Student Council.
Positibo siyang kinilala ni alias Kurati, isang dating rebelde at aniya kilala naman si Sagdullas sa mga alias na Miyong at Martin.
Taon 2020, nang kumpirmahin ng awtoridad na sumapi na sui Sagdullas sa New People’s Army (NPA).
Samantala, ang iba pang nasawi sa engkuwentro noong nakaraang araw ng Linggo sa Barangay Mabini ay sina Geraldine Teopinto, alias “Luz,” finance officer; Abigail Padula Baselga, alias “Moana,” medical officer; at Vicente Termo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.