Pumalit sa pinatay na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo, namayapa

Dalawang buwan matapos manungkulan bilang ama ng Negros Oriental, namayapa na kahapon si Governo Guido Reyes dahil sa sakit.

Ang pagkamatay ni Reyes ay kinumpirma ng kanyang anak na si Guihulngan City Vice Mayor Eunica Reyes at wala na itong ibang detalyeng ibinigay ukol sa pagyao ng kanyang ama.

Nahirang si Reyes na gobernador ng lalawigan matapos patayin si Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

Samantala, nanumpa naman na bilang kapalit ni Reyes si Vice Governor Manuel Sagarbarria kay Judge Gerardo Pagio  sa Provincial Session Hall kahapon ng hapon,

Agad nitong ipinag-utos sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa lalawigan na ilagay sa “half-mast” ang mga bandera ng Pilipinas sa kanilang mga tanggapan bilang pakiki-simpatiya sa pamilya ni Reyes.

Sina Degamo at Reyes ang magka-tandem noong nakaraang eleksyon.

Read more...