Pagbasa ng sakdal sa Degamo killing suspects ipinagpaliban
Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal sa isang korte sa Maynila sa 1o suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Kinumpirma ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon ang postponement ng arraignment dahil umano sa ilang pangyayari.
Hindi na nagbigay pa ng detalye si Fadullon.
Ang mga kinasuhan ng 10 counts of murder, 12 counts of frustrated murder at three counts of attempted murder ay sina Rogelio Antipolo Jr., Jhudiel Rivero, Romel Pattaguan, Dahniel Lora, Joven Javier, Winrich Isturis, John Louie Gonyon, Eulogio Gonyon Jr., Joric Labrador, at Marvin Miranda.
Magugunita na binawi nina Javier, Rivero, Lora, Pattaguan and Antipolo ang pag-amin sa pagpatay at pagturo kay suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr., na may kinalaman sa kaso.
Si Teves ay sinampahan na ng NBI ng mga reklamong 10 counts of murder, 14 counts of frustrated murder, at four counts of attempted murder bagamat hindi pa ito pormal na naisasampa sa korte.
Hindi pa nagbabalik sa bansa si Teves sa katuwiran na nanatili ang banta sa kanyang buhay at ilang beses na rin niyang itinanggi ang mga alegasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.