Extension sa deadline ng SOCE, ipinapawalang bisa sa SC

By Kathleen Betina Aenlle June 21, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Mayroon nang naghain ng petisyon sa Supreme Court para ipa-walang bisa ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na payagan ang extension ng paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ang mga naghain ng petition for certioari ay sina Atty. Manuelito Luna na kandidato ng 1-Abilidad Party-list at retiradong sundalong si Justino Padiernos ng People’s Freedom Party.

Ayon sa kanila, labis na inabuso ng COMELEC ang kanilang diskresyon nang payagan nila ang extension ng pagsu-sumite ng SOCE, gayong nakasaad sa Republic Act 7166 Section 14 na dapat ihain ng kandidato at ng treasurer ng partido ang kanilang SOCE 30 araw matapos ang halalan.

Anila pa, ang mandato ng COMELEC ay sundin ang lahat ng mga nakasaad sa election laws, ngunit ang kanilang ginawa ay tahasang pagbago sa nasabing bahagi ng batas.

Nanindigan pa sina Luna at Padiernos na bilang mga taxpayers, mayroon silang ligal na karapatan para kwestyunin ang naging desisyon ng COMELEC.

Matatandaang sa botong 4-3, iniurong ang deadline ng pagsusumite ng SOCE mula June 8 hanggang June 30.

Ang mga bumoto pabor dito ay sina Commissioners Arthur Lim, Al Parreño, Shariff Abas at Rowena Guanzon, habang kumontra naman dito sina Chairman Andres Bautista at Commissioners Christian Robert Lim at Luie De Guia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.