Senate version ng MIF sinang-ayunan na lang ng Kamara

By Jan Escosio May 31, 2023 - 06:40 PM

OSMV PHOTO

Inadopt na ng Kamara sa bicameral conference committee meeting ang bersyon ng Senado sa Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.

Tumagal lamang ng 20 minuto ang  pulong sa bicam sa Manila Golf & Country Club sa Makati City.

Sa bicam ay nagmosyon si House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman  Irwin Tieng, Chairman ng panel ng Kamara, na tinatanggap nila “in principle subject to style’ ang bersyon ng Mataas na Kapulungan sa panukalang Maharlika Investment Fund.

Dahil tinanggap na ng Kamara ang kabuuang bersyon ng panukalang MIF ng Senado ay iaanunsyo sa sesyon ngayon ang pag-adopt dito ng Mababang Kapulungan at kapag naratipikahan ay diretso na ito sa Office of the President sa Malakanyang para malagdaan.

Sa bicam kanina ay parehong dumating sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez para saksihan ang pulong.

Samantala, bago magsimula ang pulong ay  kumpyansang sinabi ni Sen. Mark Villar, ang sponsor ng panukala at namumuno sa Senate Committee on Banks, ma may sapat na safeguards na inilagay ang Kongreso para matiyak na bantay sarado at malayong maabuso ang Maharlika fund.

Inaasahang bago ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ay nalagdaan na ang panukala para sa sovereign wealth fund.

TAGS: Bicam, fund, Maharlika, meeting, Bicam, fund, Maharlika, meeting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.