Bagyong Betty lumalayo na; Batanes, Signal No. 1 na lang

May 31, 2023 - 05:50 PM
Napanatili ng bagyong Betty ang taglay nitong lakas habang bumilis ang pagkilos palayo ng Batanes. Base sa 5pm bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay tinayang nasa distansiyang 410 kilometro Silangan-Hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes. Nanatili sa 120 kilometro kada oras ang lakas ng hangin na dala nito at may bugso na 150 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 15 kilometro kada oras. Ibinaba na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan Is., Babuyan Is., at Camiguin Is.) Inaasahan naman ang pag-ulan sa La Union, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra.

TAGS: Bagyo, batanes, Betty, pagasa, Bagyo, batanes, Betty, pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.