Kaligtasan sa biyahe ng motorcycle taxis pinatitiyak ni Sen. Grace Poe

By Jan Escosio May 31, 2023 - 05:15 PM

INQUIRER PHOTO

Nais masiguro ni Senator Grace Poe ang kaligtasan ng pasahero at drayber sa batas para sa legalisasyon ng motorcycle taxis sa bansa.

Sa joint hearing ng Senate Committees on Public Services and Local Government kamakailan, napagdiskusyonan ang pagsasanay at kaalaman ng mga rider sa paggamit ng motorsiklo para iwas at ligtas sa aksidente. “We need to legalize to reflect the reality on the ground but we also need the highest safety standards to make this a true mobility alternative,” ani Poe, ang namumuno sa Public Services Comittee. “The established vulnerability of motorcycles as a mode of transportation calls for the government to step in,” dagdag pa niya. Sa pagdinig, binusising mabuti ang Angkas, JoyRide at Move it, ang mga kompaniya na  pinayagang makapag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program ng Department of Transportation (DOTr), tungkol sa safety training na kanilang ibinibigay sa kanilang mga drayber. Nagpahayag naman ng pagkabahala si Sen. Raffy Tulfo sa bilang mga aksidente na kinasasangkutan ng Angkas, ang market leader na humahawak ng 30,000 slot sa 45,000 sa ilalim ng pilot program, kung saan may naitalang 7,500 aksidente noong 2022 lamang. “There are so many instances na nakatanggap ako ng mga reklamo na ‘yung pasehero ang nagpapaluwal muna dahil ang hirap kausap ang mga kompanya tulad ninyo, kaya sila na ang napipilitan magluwal ng pera,” sabi ni Tulfo. “What I want is dapat kapag may naaksidente na rider ninyo na may pasahero, agad-agad pupunta kayo sa hospital, agad-agad babayaran ‘yung hospitalization, sagutin niyo everything,” saad pa niya. Pinagpaliwanag naman ni Poe ang mga kinatawan ng mga motorcycle tax company na magbigay ng detalye ng kanilang training na ibinibigay sa kanilang mga drayber gayundin ang ibang mga hakbang na ginagawa para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Ayon kay Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, sa Thailand, Vietnam at Indonesia kung saan sila nag-o-operate din, gumagamit sila ng teknolohiya para ma-monitor ang ugali at driving skills ng kanilang mga drayber bukod pa sa kaligtasan at tamang pagsasanay ng mga Grab driver. “Beyond training, we also use technology to track drivers’ safety performance and trigger more trainings. We use that (app) to track drivers, so if we find drivers are driving dangerously, that would then trigger an alert,” dagdag pa niya. Inamin naman Angkas at Move it na wala silang ginagamit na teknolohiya para matutukan ang kanilang mga drayber. “We don’t have it to that level, but we do have a command center and we have marshals all over,” ayon kay Angkas CEO George Royeca. “Sa JoyRide, meron po kaming mga marshals na umiikot sa Metro Manila, 24/7 po ‘yan. Mga grupo na hindi alam ng mga (JoyRide) bikers na inoobserbahan sila,” sabi naman ni JoyRide Vice President Rico Meneses.

TAGS: accident, Motorcycle Taxi, safety, Senate, training, accident, Motorcycle Taxi, safety, Senate, training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.