BAM Gaming Mobile Legends Tournament umarangkada sa Cagayan de Oro

Nag-organisa ang BAM Gaming ng nationwide Mobile Legends tournament at sinimulan ito sa Cagayan de Oro noong nakaraang araw ng Sabado at Linggo.

“The best way to showcase our Pinoy gamers is to provide them with an avenue where they can display their world-class talent,” sabi ni dating Sen. Bam Aquino patukoy sa “BAM Gaming Mobile Legends Tournament 2023.

Dagdag pa ni Aquino, na kilalang tagasuporta ng Filipino esports athletes at sa industriya ng  video game development, ngayon buwan ng Hunyo ay magsisimula ang Visayas Leg ng tournament at ito ay idaraos sa Cebu, Iloilo, Bacolod, Dumaguete at Bohol.

Kabilang sa mga nakibahagi sa Cagayan de Oro tournament sina Orca, Outplay, Team Sogid, IMBA ESports, Oracle, Reps, Kingsman, Paragon Elites, Shino is Back, LowX, Octarian Gaming, Savage Arena Main, Chaotic Insurgent, Migo$, NXG PH, at Galaxy.

Ang lahat ng qualifying games hanggang sa finals ay mapapanood live sa BAM Gaming Facebook page, samantalang ang semis at final matches ay matutunghayan na din ng  live sa  Bam Aquino Facebook Page.

Ang kampeon ay tatanggap ng P20,000 cash prize.

Malaki ang naging bahagi ni Aquino sa pagtatag sa  Philippine esports Association (PeSPA) para mapagtibay at mapalago ang esports sa bansa, bukod pa upang mapangalagaan ang  cyber athletes at stakeholders sa industriya.

Kamakailan, itinatag ni Aquino kasama sina Walter de Torres ng  Pixel Mafia at Andro Baluyot ng Game Ops ang  Monkey Eating Eagle (MEE) Games PH upang magkaroon ang  local game developers ng daan na matunghayan ang kanilang ” game creations” sa buong mundo.

“There are many outstanding Pinoy game developers who may have the next best thing but their projects never saw the light of day or merely gathered dust due to lack resources and support,” paliwanag ni Aquino.

Read more...