P0.45 hanggang P0.65 na rollback sa produktong petrolyo, epektibo na ngayon

By Kathleen Betina Aenlle June 21, 2016 - 04:18 AM

 

Inquirer file photo

Magpapatupad ng pagbaba o rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, June 21.

Simula alas-12:01 ng hatinggabi, nagpatupad na ng rollback na P0.65 sa kada litro ng gasolina at diesel ang SeaOil, Eastern Petroleum, Flying V, Petron at Caltex.

Parehong presyo rin ang ibababa ng Total, PTT, Phoenix, Shell, at Unioil, alas-6 ng umaga.

Mayroon ding P0.45 na bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene sa SeaOil, Flying V, Petron, at Caltex kaninang 12:01 ng hatinggabi, habang sa Shell naman ay alas-6 ng umaga.

Nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil na rin sa pagdami ng supply ng krudo sa United States, pati na rin sa naka-ambang Brexit na naka-apekto sa merkado noong nakaraang linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.