DSWD makikipagtulungan sa Imbestigasyon sa isinarang bahay-ampunan
By Chona Yu May 31, 2023 - 12:11 PM
Nalugod ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-iimbestiga ng Senado sa isinarang bahay ampunan sa Quezon City.
Ipinasara ng DSWD ang operasyon ng Gentle Hands dahil overpopulated ang lugar, marumi ang paligid at hindi sumusunod sa safety standards. Ayon kay DSWD spokesman Romel Lopez, magandang hakbang ang hirit ni Sen. Risa Hontiveros na busisiin ang Gentle Hands matapos magpalabas ng cease and desist order ang DSWD. “We welcome the planned inquiry of Senator Hontiveros as this will provide the DSWD a forum to answer all the issues regarding Gentle Hands. The DSWD is ready to answer all questions that will be raised such as the CDO, the BFP’s revocation of the GHI’s fire safety certificate, as well as the issue of disruption cases involving adopted kids facilitated by GHI,” pahayag ni Lopez. Magandang oportunidad aniya ito sa DSWD para maipaliwanag ang kanilang panig. “The investigation would, indeed, be helpful in coming up with appropriate legislations to further ensure the protection of children. We are ready to cooperate with Senator Hontiveros for the inquiry,” pahayag ni Lopez. Sa ngayon, inilipat na ng DSWD ang 149 na bata sa Gentle Hands sa Elsie Gaches Village (EGV) sa Alabang, Muntinlupa City; Nayon ng Kabataan (NK) sa Mandaluyong City; at Reception and Study Center for Children (RSCC) sa Quezon City.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.