Shake drill ng MMDA, sa Miyerkules na

By Kathleen Betina Aenlle June 21, 2016 - 04:16 AM

 

Inquirer file photo

All systems go na ang ikalawang Metro Manila Shakedrill ng Metropolitan Manila Development Authority na gaganapin bukas, araw ng Miyerkules, June 22.

Mag-uumpisa ang naturang earthquake drill alas-9 ng umaga sa headquarters ng MMDA sa Makati City, at ang magiging hudyat nito ay ang sabay-sabay na pag-tunog ng mga school bells, kampana ng mga simbahan, sirena, busina ng mga sasakyan at pati na rin sa ma istasyon ng telebisyon at radyo.

Kaugnay nito, inaanyayahan ni MMDA Chairman Emerson Carlos ang lahat ng mga tauhan ng kanilang ahensya, pati na rin ang publiko sa pag “duck, cover and hold” sa magiging Shakedrill.

Iba’t ibang eksena tulad ng sunog, pagguho ng mga tulay at mga gusali, at pagkakadiskaril ng mga tren ang magiging bahagi ng nasabing simulation ng 7.2 magnitude na lindol na posibleng tumama sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Inaasahan rin ng MMDA na lahat ng 16 lungsod at isang munisipalidad ng Metro Manila ay makikilahok sa Shakedrill.

Magkakaroon rin naman ng sabay na earthquake drill sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna na pawang mga malapit lang sa Metro Manila at posibleng madamay sa lindol sakaling mangyari ito.

Iba’t ibang pakulo ang ginawa ng MMDA para anyayahan ang publiko na makisali sa Shakedrill, tulad na lamang ng palaging pag-iimbita sa mga social networking sites at pagpo-post ng video ng mga traffic constables na sumasayaw ng #MMShakeDrill dance.

Nagsagawa na rin ang MMDA ng text blasts sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang network providers na naglalaman ng mga mahalagang detalye at pag-anyaya sa publiko na lumahok sa Shakedrill.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.