Bagyong Betty nanghina, Batanes nasa Signal No. 2 pa rin
Patuloy pang nanghina ang bagyong Betty habang mabagal na gumagalaw sa dagat sa Silangan ng Batanes.
Sa Tropical Cyclone Bulletin No. 17 na inilabas ng PAGASA kaninang ala-5 ng madaling araw, humina sa 120 kilometro kada oras ang taglay ng lakas ng hangin ng bagyo at ang bugso ay umaabot sa 150 kilometro kada oras.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 320 kilometro Silangan ng Itbayat, Batanes.
Nanatiling nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.
Samantalang, nakataas ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod:
-Cagayan kasama ang Babuyan Islands
-hilaga at kanlurang Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
-silangang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
-Apayao
-hilagang bahagi ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
-at hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.