Bagyong Betty bumagal, Signal No. 2 sa Batanes
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Bumagal pa ang bagyong Betty sa pagtahak nito sa dagat sa hilagang bahagi ng Batanes.
Sa 5pm bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay nasa distansiyang 315 kilometro Silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 185 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.
Samantala, ang TCWS No. 1 ay nakataas sa mga sumusunod na lugar;
Luzon
-Silangan at Hilagang bahagi ng Isabela(Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
-Apayao
-silangang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
-hilagang bahagi ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
-hilaga-silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
-at Cagayan kasama ang Babuyan Islands
Inaasahan na hanggang bukas ng hapon ay malakas ang pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at sa hilagang bahagi ng Abra at Benguet.