Bagyong Betty bumagal, Signal No. 2 sa Batanes

By Jan Escosio May 30, 2023 - 07:06 PM
Bumagal pa ang bagyong Betty sa pagtahak nito sa dagat sa hilagang bahagi ng Batanes. Sa 5pm bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay nasa distansiyang 315 kilometro Silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 185 kilometro kada oras. Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes. Samantala, ang TCWS No. 1 ay nakataas sa mga sumusunod na lugar; Luzon -Silangan at Hilagang bahagi ng Isabela(Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig) -Apayao -silangang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era) -hilagang bahagi ng  Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal) -hilaga-silangang bahagi ng  Abra (Tineg, Lacub, Malibcong) -at Cagayan kasama ang Babuyan Islands Inaasahan na hanggang bukas ng hapon ay malakas ang pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at sa hilagang bahagi ng  Abra at Benguet.

TAGS: Bagyo, batanes, Pagasa, Bagyo, batanes, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.