Ph airlines’ flights hindi apektado sa NoKor satellite launch

By Jan Escosio May 30, 2023 - 06:31 PM

 

 

Hindi maaapektuhan ang lipad o biyahe ng mga local airline companies sa plano ng North Korea na maglunsad ng “satellite” simula bukas hanggang Hunyo 11.

Gayunpaman, nagpalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng notice to airmen (NOTAM) sa mga piloto bilang pag-iingat.

Nilinaw na lamang ni Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, na walang ruta ng mga commercial airlines na lumilipad sa himpapawid ng Pilipinas ang maaapektuhan.

Nagbabala na ang gobyerno ng Japan na pababagsakin ang anumang North Korean missile na papasok sa kanilang “air space” base na rin sa abiso ng Pyongyang ukol sa planong paglulunsad ng “satellite.”

TAGS: CAAP, news, north korea, Radyo Inquirer, CAAP, news, north korea, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.