Financial institutions hindi maba-bankrupt sa Maharlika Investment Fund
Pinakakalma ng Department of Finance ang publiko lalo na ang mga depositor ng Land Bank at Development Bank of the Philippines na walang dapat na ipag-alala kung itutuloy man ang paglalagak ng puhunan sa panukalang batas na Maharlika Investment Fund.
Pahayag ito ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa gitna ng pag-aalala ni Senador Koko Pimentel na maaring ma-bankrupt ang financial institution kapag namuhunan sa Maharlika Investment Fund.
Sabi ni Diokno, walang basehan para mag-panic ang publiko.
Paliwanag ni Diokno nasa mahigit P1 trilyon ang investable fund ng Land Bank. Nasa tatlong porsyento lamang o P50 bilyon lamang ang ibibigay ng Land Bank sa Maharlika Investment Fund.
“Panic lang naman iyan. There`s no basis for that,” pahayag ni Diokno.
Samantala, sinabi ni Diokno na nasa board na rin ng Social Security System at Government Service Insurance System kung maglalagak ng puhunan sa panukala.
“Now if you have given them the opportunity to invest in infrastructure project, tollways halimbawa na kikita ng 20 percent rate, bakit mo naman sila pgbabawalan di ba? But it’s the decision of the board. Kaya nga may mga board,” pahayag ni Diokno.
Matatandaang sa bersyon ng Senado, pinapayagan ang SSS at GSIS na mag invest sa Maharlika Investment Fund.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.