Napanatili ng Bagyong Betty ang lakas habang kumikilos patungo sa silangan ng Batanes.
Ayon sa Pagasa, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes at northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana at Gonzaga) kasama ang Babuyan Islands.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa natitirang bahagi ng Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela(Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig), eastern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era), Apayao, northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal), at northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong).
Namataan ang sentro ng bagyo sa 315 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometro kada oras at pagbugso na 185 kilometro kada oras.
Sa June 3 pa inaasahang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.