Dalawang illegal recruiter, kalaboso

By Chona Yu May 30, 2023 - 11:57 AM

 

 

Arestado anng dalawang hinihinalang illegal recruiter matapos magsagawa ng operasyon ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police sa Brgy, Binuangan, Isabela City, Basilan.

Nakilala ang mga suspek na sina Yazier Tanji Balling, 32 taong gulang na residente ng Barangay Kaumpurnah Zone 1, Isabela City, at kanyang kasabwat na si Rodel Alegre Lagayan, 44 na taong gulang na residente ng Barangay Lapiedad, Isabela City.

Base sa isinagawang entrapment operation, naaktuhan ng mga awtoridad ang personal na pagtanggap ng mga suspek sa “marked money” na nagkakahalaga ng ₱91,000 mula sa mga nagpanggap bilang aplikante ng PCG.

Nakuha mula kay Balling at Lagayan ang patung-patong na PCG application folders, isang cellular phone, at isang sling bag kung saan inilagay ang “marked money.”

Dinala sila sa Isabela City Police Station para sa paghahain ng karampatang kaso dahil sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (Estafa).

Panawagan ng PCG sa mga aplikante, i-report sa Coast Guard Human Resource Management Command (0935-782-2386) o sa Coast Guard Intelligence Force (0926-628-4519) ang sinumang lalapit sa para asikasuhin ang kanilang aplikasyon kapalit ng pera para sa agarang aksyon.

 

 

TAGS: coast guard, illegal recruiter, news, Radyo Inquirer, coast guard, illegal recruiter, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.