Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat may probisyon sa isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) bill na hindi magagalaw o hindi makokompormiso ang state pension funds.
Aniya dapat ay tiyakin ang proteksyon sa pensyon ng mga manggagawa na katas ng kanilang dugo’t pawis, sakripisyo at panahon.
Pagbabahagi ni Pimentel hindi pa rin nawawala ang banta na maaring galawin ang pondo para sa pensyon ng mga retirado sa Government Service Insurance system (GSIS) at Social Security System (SSS).
“While they removed the forced contribution from GSIS and SSS, the current version of MIF under consideration by the Senate would allow these social insurance institutions to invest in Maharlika voluntarily as long as their boards agree,” babala nito.
Ibinahagi pa ng senador ang isang probisyon sa panukalang-batas; “Under no circumstance shall the GOCCs providing for the social security of government employees, private sectors, workers and employees, and other sectors and subsectors, such as but not limited to the Government Service Insurance System, Social Security System, and Home Development Mutual Fund, be requested or required to contribute to the MIC.”
Ngunit mababasa sa Section 12 na papayagan ang “voluntary investment” at nabanggit na ang Government Financial Institutions (GFIs) at Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs) na magbuhos ng pondo sa MIF.