Tinapos na ni Bishop Dennis Villarojo ng Diocese ng Malolos ang pagbibigay ng dispensation sa Sunday obligations.
Ibig sabihin, sinabi ni Bishop Villarojo na kailangan nang bumalik sa physical na pagsisimba sa mga simbahan.
Marso 2020 nang magpalabas ng circular ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na maaring magsimba online dahil sa -pandemya sa COVId-19.
Magiging epektibo ang pagsuspendi sa dispensations sa Hunyo 11 o Solemnity of the Corpus Christi.
“At the conclusion of the pandemic that compelled limited opportunities to worship in person… we are hereby lifting the dispensation given to the faithful from personally participating in the Mass due to civil restrictions imposed on account of the Covid-19 pandemic,” pahayag ni Villarojo sa CBCP News.
“Except for those sick and have serious reasons, all Catholics are expected to perform their obligations to physically attend Masses in churches,” pahayag ng obispo.