CBCP naaalarma na sa dami ng mga napapatay na suspek

By Kathleen Betina Aenlle June 21, 2016 - 04:35 AM

 

Inquirer file photo

Nababahala na ang Simbahang Katoliko sa pagdami ng mga napapatay ng mga pulis na mga suspek na kriminal mula nang matapos ang eleksyon.

Hindi rin sang-ayon ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pag-aalok ng pabuya para sa mga makakapatay sa mga kriminal na nagsimula nang manalo sa halalan si incoming President Rodrigo Duterte.

Ayon kay CPCP president Archbishop Socrates Villegas, nababahala na aniya sila sa dumadaming ulat na nababaril ang mga hinihinalang tulak ng droga at iba pa dahil umano sa pumapalag ang mga ito sa tuwing aarestuhin na.

Tugon ito ni Villegas sa lumabas na bilang ng Philippine National Police (PNP) na nagsasabing 29 na ang mga drug suspects na napatay mula noong May 9 hanggang June 15, kumpara sa 39 na napatay sa loob ng apat na buwan noong nakaraang taon.

Giit ni Villegas, kailanman ay hindi naging moral ang pagtanggap ng pera kapalit ng pagpatay ng ibang tao.

Matatandaang nangako si Duterte na libu-libong kriminal ang mamamatay oras na magsimula siyang manungkulan sa June 30.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.