Tatlong lugar nananatili sa Signal No. 2 dahil sa Bagyong Betty

By Chona Yu May 30, 2023 - 07:39 AM

 

Tatlong lugar na lamang ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2  dahil sa Bagyongbetty.

Base sa 5:00 a.am advisory ng Pagasa, nasa Signal No.2 ang Batanes, northeastern portion ng Cagayan at Babuyan Islands.

Nasa Signal No.1 naman ang natitirang bahagi ng Cagayan, northern at eastern portion ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig), eastern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era), Apayao, northern portion ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal) at northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong).

Ayon sa Pagasa, nasa 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes ang bagyo.

Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na 185 kilometro kada oras at central pressure na 955 hPa.

Kumikilos ang bagyo sa north northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

 

TAGS: Bagyong Betty, basco, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Signal Number 2, Bagyong Betty, basco, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Signal Number 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.