May posibilidad na humina at maging tropical storm na lamang ang bagyong Betty pagpasok ng buwan ng Hunyo sa Huwebes o sa Biyernes, Hunyo 2.
Sa Biyernes inaasahan ay palabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa 5pm bulletin, ang sentro ng bagyo ay namataan sa distansiyng 445 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na 115 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 190 kilometro kada oras.
Bumagal pa ang bagyo at maaring halos hindi ito kikilos bukas, Mayo 30.
“This typhoon is forecast to steadily weaken over the next five days due to cooler ocean waters caused by upwelling of cooler waters in its wake and dry air intrusion. Betty may be downgraded into a severe tropical storm on late Thursday or early Friday and into a tropical storm on late Friday or early Saturday,” ang pahayag ng PAGASA.
Gayunpaman, patuloy itong magpapa-ulan sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon at posible sa kanlurang bahagi ng Timog Luzon at Visayas dahil sa habagat.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes at hilagag bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.
Samantala, Signal no. 1 sa natitirang bahagi ng Cagayan, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, sa hilaga at gitnang bahagi ng Aurora, Quirino, hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya, hilagang bahagi ng Catanduanes, hilagang bahagi ng Camarines Sur, Polillo Islands, hilagang bahagi ng Camarines Norte at hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur.