Totoy natagpuan patay sa washing machine, 15-anyos na tiyuhin inaresto

By Jan Escosio May 29, 2023 - 04:19 PM

Naging susi ang masangsang na amoy para mahanap ang nawawalang apat na taong gulang na lalaki sa Las Piñas City.

Sa ulat ng pulisya, noon pang Mayo 26 hinahanap ang biktima at natagpuan ang kanyang katawan sa loob ng washing machine ng kanilang bahay sa Barangay CAA, kahapon ng umaga.

Itinuturing naman na suspek sa kaso ang 15-anyos na binatilyong tiyuhin ng biktima.

Sinabi ni Police Col. Jaime Santos, hepe ng pulisya ng lungsod, ang nanay pa ng suspek ang nakadiskubre sa naaagnas ng bangkay ng pamangkin dahil sa masamang amoy na nagmumula sa washing machine.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na hindi aksidente ang ikinamatay nito kundi napatay ng binatilyong tiyuhin.

Anila nag-post sa kanyang social media account ang suspek at nagpahiwatig na napatay niya ang pamangkin.

Nabura na ang naturang social media post at ang suspek sa ngayon ay nasa pangangalaga muna ng social workers, habang hinihintay ang autopsy report sa mga labi ng biktima.
 

TAGS: child, Murder, tiyuhin, child, Murder, tiyuhin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.