Catapang: Mga hamon sa Bureau of Corrections dumadami, reresolbahin

By Jan Escosio May 29, 2023 - 10:07 AM

Ibinahagi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na habang hinaharap nila ang mga hamon  ay nadadagdagan pa ang mga isyu na bumabalot sa kawanihan.

Aniya kasabay nang paghahanap nila ng mga solusyon ay nagsusulputan naman ang ibang isyu.

Ngunit pagtitiyak ng dating namuno sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hindi sila panghihinaan ng loob, bagkus ang mga bagong hamon ang nagbibigay sa kanila ng lakas upang dahan-dahan na maresolba ang lahat.

Sinabi nito na kabilang sa mga bagong lumalantad na isyu ay bunga ng pamumuno ng nagdaang-administrasyon ng BuCor.

Prayoridad aniya nila ang tunay na reporma hindi lamang sa hanay ng mga pinangangalagaan nilang persons deprived of liberty (PDLs), kundi maging sa hanay ng kanilang mga opisyal at kawani.

Nabanggit ni Catapang na nagkaroon na siya ng pagkakataon na mailatag kay Pangulong Marcos Jr., ang sitwasyon at kanyang mga plano para sa kawanihan at nakuha niya ang suporta ng Punong Ehekutibo.

Kabilang sa prayoridad ng kawanihan ay ang paglilipat ng libo-libong bilanggo na nasa pambansang piitan ngayon sa Muntinlupa City kayat pursigido sila sa pagkakaroon ng regional at provincial BuCor facility.

Kumpiyansa si Catapang na maisasakatuparan ito sa tulong ng Kongreso at pambansang gobyerno sa pagsuporta sa binabalak na gawing BuCor Global City ang NBP.

Isa din aniya sa malaking plano nila ay gawing “food hub” ang bahagi ng kasalukuyang pambansang piitan para makatulong sa seguridad sa pagkain sa bansa.

TAGS: Bilibid, bucor, PDL, reporma, Bilibid, bucor, PDL, reporma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.