Senate Minority bloc tutol sa sertipikasyon na “urgent” ang MIF

By Jan Escosio May 29, 2023 - 09:39 AM

SENATE PRIB PHOTO

Handa ang Senate Minority bloc na gawin ang lahat para maharang ang pag-apruba ng Senado sa isinusulong na Maharlika Investment Fund Bill.

Ayon kay Senate Minority Leader  Aquilino “Koko” Pimentel tututulan nila ang sertipikasyon bilang urgent sa  Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa paniniwala na hindi ito makakabuti sa bansa. Tiniyak naman ni Pimentel na anuman ang kanilang gagawin ay alinsunod pa rin sa kanilang rules and regulations at idaraan sa tamang proseso. Nanindigan ang senador na hindi maituturing na urgent ang panukala kasabay ng paalala na ang sovereign wealth fund sa Norway ay dumaan sa 12 taong debate at konsultasyon. Nanindigan ang senador na mali ang konsepto ng Maharlika Fund lalo na’t wala namang malaking kita nag gobyerno na maaaring ilaan sa sovereign fund. Sa sesyon ngayon araw, inaasahan na makikipagtagisan sina Pimentel at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros kay Sen. Mark Villar, ang sponsor ng naturang panukalang-batas.

TAGS: fund, Maharlika, minority, Senate, fund, Maharlika, minority, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.