European tour ni Celine Dion kanselado dahil sa poor health

 

 

Kanselado na ang lahat ng show ni Celine Dion para sa taong 2023 at 2024.

Base sa Twitter post ni Dion, sinabi nito na babalik lamang siya sa stage kapag magaling na.

Disyembre 2022 nang ianunsyo ng 55 anyos na French Canadian singer na nakararanas siya ng sakit na rare neurological disorder na Stiff-Person Syndrome na nakaapekto sa kanyang pagkanta.

Kinansela ni Dion ang kanyang European tour.

Kabilang na ang nakatakdang concert sa London, Dublin, Paris, Berlin, Amsterdam, Stockholm at Zurich.

 

 

Read more...