Nakahanda na ang lokal na pamahalaan sa Super typhoon MAwar o Bagyong Betty.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakaalerto na ang ang mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).
May nakaantabay na aniyang supply ng first aid kits, evacuation tents, hygiene kits, personal protective equipment (PPE), relief goods at mga gamot upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa lungsod.
Ayon kay Belmonteo, nakaantabay na rin ang ang emergency response teams ng QCDRRMO para sa mga hihingi ng tulong.
Para sa emergencies, maari aniyang tumawag sa QC Helpline 122
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.