Telcos pinaghahanda ng NTC sa Super typhoon Mawar

By Chona Yu May 27, 2023 - 08:03 AM
Inatasan ng National Telecommunications Communication (NTC) ang mga telecommunications company na tiyakin ang kahandaan sa pananalasa ng Super typhoon Mawar. Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, inatasan ang mga telco na tiyaking may sapat na bilang ng technical o support personnel, standby generators na may extra fuel at spare equipment sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. Iniutos din ng NTC ang mabilis na pagsasagawa ng repair at restoration ng telecommunication services sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo. Pinagtatalaga din ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations ang mga telco sakaling may mga lugar na mawalan ng serbisyo ng network at mawalan ng suplay ng kuryente. Kaugnay nito, kinakailangang magsumite na ang mga telecommunications company ng status updates sa NTC kada-anim na oras ng kanilang restoration activities at timeline ng full restoration.

TAGS: Bagyong Betty, mawar, news, NTC, Radyo Inquirer, Telcos, Bagyong Betty, mawar, news, NTC, Radyo Inquirer, Telcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.