Super typhoon Mawar, pumasok na sa Pilipinas

By Chona Yu May 27, 2023 - 07:58 AM

 

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Super typhoon Mawar.

Dahil dito, tatawagin na itong Bagyong Betty.

Ayon sa Pagasa, 2:00 ng madaling araw kanina nang pumasok sa PAR ang bagyo.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 1,320 kilometro silangan ng Central Luzon.

Taglay ng bagyo ang hangin na 195 kilometro kada oras at pagbugso na 240 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa west westward direction sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Sa ngayon, wala pa namang itinataas na tropical cyclone wind signals.

 

TAGS: Bagyong Betty, news, Pagasa, Radyo Inquirer, super typhoon, Bagyong Betty, news, Pagasa, Radyo Inquirer, super typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.