Paglalagay ng boya sa West Philippine Sea, hindi provocation ayon kay NSA Eduardo Año

 

Hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas sa China nang lagyan ng buoys o boya ang West Philippine Sea.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, hindi maituturing na provocative action ang ginawa ng Philippine Coast Guard sa paglalagay ng mga boya.

Sabi ni Año, ang provocative actions ay ang panunutok ng laser, paghahabol sa mga Filipino na nangingisda sa West Philippine Sea.

Matatandaang tinutukan ng laser ng Chinese Coast Guard ang mga tauhan ng PCG habang nagsasagawa ng rotation at resupply mission sa Ayusingin Shoal noong Pebrero 6.

“Ang sinasabi nating provocation, iyong mga mga nag de-dangerous maneuver, nagle-laser pointing, iyong mga nagba-blocking sa path ng ating vessels, iyong mga naghahabol ng fishermen,” pahayag ni Año.

Sabi ni Año, bilang isang coastal nation, responsabilidad ng Pilipinas na pangalagaan ang teritoryo nito.

“We are not the aggressor here, we are not the provocateur here. In fact, are just ensuring that we are following the international law and make sure that we are exerting our sovereignty,” pahayag ni Año.

Binabantayan aniya ng Pilipinas ang ginawa ring paglalagay ngboya ng China sa lugar.

“Ino-observe natin at minomonitor natin iyong ginagawa nilang paglalagay ng buoy. Na ang ating pinaka-bottomline dito is we will not do any physical confrontation, we will not escalate the situation,” pahayag ni Año.

Tuloy din aniya ang paglalagay ng Pilipinas ng anim pa na dagdag na boya sa West Philippine Sea.

“Yes, tuloy pa din yon in accordance with the plan, sapagkat this is really about time para ang ating arbitral ruling, ang UNCLOS ay pabor sa atin,” pahayag ni Año.

 

 

Read more...