Communications group sa ilalim ng Duterte administration mas pinaliit
Bubuwagin na ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office o PCDSPO bilang cabinet fortfolio sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon kay incoming Communications Sec. Martin Andanar, gagawin na lamang isang dibisyon sa ilalim ng kanyang tanggapan na tatawagi na bilang Presidential Communications Office (PCO) ang opisina ngayon ni Usec. Manolo Quezon.
Layun aniya nito na ayusin ang set up para isang opisina na lang ang magrereport kay incoming President Rodrigo Duterte.
Pati aniya administrative work ng presidential spokesman ay idadaan na rin sa kanyang opisina para hindi maging magulo ang sistema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.