DBP-Landbank merger bubusisiin na sa Kamara

By Jan Escosio May 26, 2023 - 01:49 PM
Iimbestigahan na sa Kamara ang nilulutong Landbank – Development Bank of the Philippines (DBP) merger.   Ito ang inanunsiyo ni Charles Coronejo, pangulo ng DBP Employees Union, sa kanilang Black Friday protest ngayon tanghali sa DBP Main Office sa Makati City.   Ibinahagi ni Coronejo na ang House Committee on Banks ang nagpatawag sa kanila para maibahagi nila sa mga kongresista ang kanilang mariing pagtutol sa balak ni Finance Sec. Benjamin Diokno.   Dagdag pa nito, sa bahagi naman ng Senado ay naghain na ng resolusyon si Deputy Minority Leader Risa Hontiveros hinggil sa Landbank – DBP merger.   Mariing tinututulan ng mga kawani ng state bank ang pag-iisa sa kanila ng Landbank dahil daan-daan sa kanila ang mawawalan ng trabaho sa gitna ng krisis sa kabuhayan dulot ng nagpapatuloy na pandemya.   Paliwanag ni Coronejo malaki ang pagkakaiba ng kanilang mandato sa Landbank dahil sila ay para sa ibat-ibang industriya, samantalang ang huli ay nakatutok sa sektor ng agrikultura.   Samantala, nakilahok sa protesta ang mga pinuno ng ibat ibang unyon ng mga kawani ng iba pang Government Financial Institutions (GFIs) at Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

TAGS: DBP, imbestigasyon, Landbank, news, Radyo Inquirer, DBP, imbestigasyon, Landbank, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.