Pangulong Marcos hindi komportable sa total deployment ban ng OFW sa Kuwait
Hindi komportable si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng total deployment ban ng mga overseas Filipino workers sa Kuwait.
Tugon ito ng Pangulo sa panawagan ni Pangasinan Representative Rachel Arenas na itigil na ang pagpapadala sa mga bansa sa Middle East dahil sa pang-aabuso ng mga employer.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy sa Manila, sinabi nito na para sa kanya ay forever na kapag nagpatupad ng ban.
“Well, magbaban tayo? Ako I’m never very comfortable iyong nagba-ban na ganun dahil parang ang pag-ban sinasabi mo forever na iyan, hindi na pwede,” pahayag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, ang Kuwait ang nag-ban sa mga OFW at ayaw nang mag-isyu ng mga bagong visa.
“Hindi kami nagkakasundo dahil sinasabi nila may paglalabag daw tayo sa kanilang mga rules, wala naman kaming nakikita, kaya’t iyan ang naging situation,” pahayag ng Pangulo.
“But you know, I don’t want to burn any bridges na sasabihin na baka in the future, baka in a little while, a few months from now, a year from now, sasabihin magbago ang sitwasyon, baka pwede pa tayong magpadala ulit ng ating mga workers sa Kuwait,” pahayag ng Pangulo.
May mga pagkakataon aniya na sobra ang nagiging reaction sa sitwasyon.
“Kayat I don’t know, iyong sometimes overreaction iyong ba, bastat ban lang tayo ng ban, hindi naman tama. We have to react to the situation as it is and I think, the proper reaction is to take the decision of the Kuwaiti government to no longer issue new visas. Wala tayong ginagawa, it’s their country, those are their rules, so we will just leave that issue open and hopefully we will continue to negotiate with them,” pahayag ng Pangulo.
Patuloy aniyang kokonsulta ang Pilipinas sa Kuwait sa pagbabakasaling mabago pa ang desisyon nito.
President Marcos on deployment ban of OFW in Kuwait: Ako I’m never very comfortable yung nagba-ban na ganun dahil parang ang pag ban sinasabi mo forever na yan, hindi na pwede.
Kayat I don’t know, yung sometimes overreaction, bastat ban lang tayo ng ban, hindi naman tama. pic.twitter.com/Jsl8AEnAEo
— chonawarfreak (@chonayu1) May 26, 2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.