Zamboanga del Norte Governor sinuspinde ng Ombudsman

By Jan Escosio June 20, 2016 - 08:35 PM

Roberto Uy1
Photo: Liberal Party

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang suspensyon ni Zamboanga del Norte Governor Roberto Uy dahil sa simple misconduct.

Ang three-month suspension without pay kay Uy ay nag- ugat sa ilegal na pagsibak nito sa anim na empleado ng lalawigan noong 2013 para ilagay sa pwesto ang kanyang mga sariling tauhan.

Nabatid na nang maupo si Uy noong 2013 ay ipinatigil niya ang serbisyo ng anim na probationary employees.

Umapila ang anim na kawani sa Civil Service Commission (CSC) na nagsabing iligal ang naganap na pagpapatalsik s akanila sa posisyon.

Ipinagutos din ng ahensiya ang pagbalik sa puwesto sa anim na kawani at bayaran sila sa kanilang back wages at iba pang mga benepisyo.

TAGS: csc, ombudsman, roberto uy, Zamboanga del Norte., csc, ombudsman, roberto uy, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.