LGUs pinaghahanda ni Pangulong Marcos sa Bagyong Betty

By Chona Yu May 26, 2023 - 11:30 AM

 

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga local government units na hindi dadaanan ng Bagyong Betty na maghanda pa rin.

Ayon sa Pangulo, hahatakin kasi ng bagyo ang habagat na magdadala ng malakas na ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa.

“Kayat we have already warned the LGUs to prepare in case of heavy rains and flooding. So ang aming ginagawa ay we leave it to the LGUs right now to make the call kung ano ang gagawin nila pero nandito lang sinasabi namin the national govt is here to assist, we are in constant contact with the local governments para makita natin what is the situation in their place, ” pahayag ng Pangulo.

Sa panig ng national government, sinabi ng Pangulo na nakagawa na ng forward positioning ng mga relief goods sa mga lugar na aabutan ng bagyo lalo na sa Northern Luzon.

“So it’s a little different from the usual situation kung saan lang dumadaan ang bagyo iyon lang iyon lang ang inaalala natin pero iba itong nangyari dito kasi malakas ang typhoon so humihila siya ng mga weather pattern pumpasok dito sa Pilpinas so that’s what we are looking out for,” pahayag ng Pangulo.

 

 

 

TAGS: Bagyo, Betty, news, Radyo Inquirer, Bagyo, Betty, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.