Modern fire system dapat sa heritage sites – Sen. Francis Tolentino

By Jan Escosio May 26, 2023 - 11:20 AM

SENATE PRIB PHOTO

Hiniling ni Senator Francis Tolentino na mapaloob sa National Building Code ang paglalagay ng modernong fire prevention system sa mga heritage sites sa bansa.   Kasunod ito nang pagkakatupok ng Manila Central Post Office kamakailan.   Sinabi ng senador na ikinalungkot niya ang kabiguan ng mga rumespondeng bumbero na agad maapula ang sunog gayung ang gusali ay nasa gilid lamang ng Ilog Pasig.   Dagdag ni Tolentino, may mga fire boats na dapat ay nagamit sa tuloy-tuloy na suplay ng tubig para naapula ang apoy.   Pang-mulat ng mga mata na rin sa mga kinauukulan ang insidente para masuri ang lahat ng mga heritage sites sa bansa, maging ang pag-aari na ng mga pribadong indibiduwal.   Diin pa ni Tolentino dapat lamang pangalagaan ang mga istraktura na bahagi ng makulay na kasaysayan ng Pilipinas.

TAGS: fire, heritage, National Building Code, fire, heritage, National Building Code

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.