Higit walong milyong sanggol, bata nabakunahan sa Chikiting Ligtas

By Jan Escosio May 26, 2023 - 11:09 AM

DOH PHOTO

Sa halos isang buwan na pagkasa ng Chikiting Ligtas campaign, higit walong milyong sanggol at bata ang nabakunahan kontra tigdas at polio.   Base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH),  6,750,475 ang naturukan ng bakuna kontra tigdas at ito ay halos 70 porsiyento ng mga maaring mabakunahan.    Samantala, 2,024,747 naman ang naturukan ng anti-polio vaccine o 62.72 porsiyento ng target ng kagawaran.   Sa kabuuan, 8,775,222 ang nabakunahan sa ilalim ng Chikiting Ligtas campaign.   “Nagbibigay tayo ngayon ng bakunahan kontra tigdas, rubella, at polio para sa mga kabataan na wala pang kahit anong bakuna o ‘di kaya may partial lamang na bakuna laban sa mga sakit na ito,” ani Health OIC Maria Rosario Vergeire.   Nagsimula ang kampaniya noong Abril 27 at magtatapos sa Mayo 31.

TAGS: bakuna, doh, Measles, Polio, bakuna, doh, Measles, Polio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.