Kamara hati sa emergency power kontra Abu Sayyaf

By Isa Avendaño-Umali June 20, 2016 - 05:14 PM

abu-sayyaf
Inquirer file photo

Hindi nagkakasundo ang mga miyembro ng Kamara sa panukalang bigyan ng emergency powers si President-elect Rodrigo Duterte upang magsugpo ang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Quezon City Rep. Winston Castelo, kailangang suportahan ng Kongreso si Duterte upang masawata na ang bandidong grupo.

Binigyang-diin ni Castelo na ‘drastic problems require drastic solutions.’

Bukod dito, nagdudulot na rin aniya ang ASG ng international embarrassment para sa Pilipinas.

Subalit para kay Anak Mindanao Parylist Rep. Makmod Mending, pre-mature ang pag-grant ng emergency powers kay Duterte.

Ani Mending, subukan muna ng bagong gobyerno na i-address ang problema gamit ang lahat ng resources na hawak o hahawakan ng mga ito kapag sila na ang namuno sa bansa para ibala at madurog ang mga bandido.

Noong nakalipas na linggo, pinugutan ng ASG ang isa pang Canadian national na si Robert Hall matapos hindi mai-deliver ang hinihingi ng mga ito na ransom na naghahalaga ng P600 Million.

Dahil dito, ipinanukala ni Senador Panfilo Lacson na bigyan na ng emergency power si Duterte para matunton at patayin din ang mga miyembro ng Abu Sayyaf.

TAGS: 17th congress, Abu Sayyaf, castelo, emergency power, mending, 17th congress, Abu Sayyaf, castelo, emergency power, mending

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.