Dalawang bagong Israeli-made fast attack interdiction attack ang kinomisyon sa Philippine Navy.
Ginawa ang commissioning kasabay ng selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy ngayong araw sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Boulevard sa Manila.
Mismong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Andres Centino ang naging saksi sa commissioning.
Nabatid na ang dalawang bagong barko ay magsisilbing ikatlo at ikaapat na components ng Acero-class Patrol Gunboats ng Littoral Combat Force ng Philippine Navy.
Pinangalanan ito na BRP Gener Tinangag o PG903 at BRP Domingo Deluana (PG905).
Ayon sa Philipoine Navy, hango ang pangalan na BRP Gener Tinangag kay Corporal Gener Tinangag habang ang BRO Domingo Deluana ay ipinangalan kay Sergeant Domingo Deluana na mga Philippine Marine Heroes at Medal for valor awardees. Ang dalawa ay nagpakita ng katapangan at sakripisyo ng higit pa sa tawag ng tungkulin.
Si Tinangag ay nasawi habang nakikipaglaban sa teroristang Maute sa Marawi siege noong 2017.
Ginawaran naman si Deluana ng Medal for Valor matapos iligtas ang mga kasamahan mula sa pag-atake ng mga kalaban sa Poblacion Matanog, Maguindanao noong 2000.
Gagamitin ang dalawang barko sa vital choke points, major sea lines of communication, at littoral domains ng bansa.
Inaasahang magdadagdag ng lakas na puwersa sa Philippine Navy ang 32-meter na gunboats para sa seguridad sa dagat, quick intercept ability, remotr stabilized weapon at short-range missiles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.