Relief packs para sa maaapektuhan ng super bagyo naihatid na ng DSWD
Dumating na sa ibat-ibang lugar sa Luzon ang family food packs na ipang-aayuda ng Department of Social Welfare and Development sa mga maapektuhan ng Super Typhoon Betty.
Ayon kay DSWD spokesman Rommel Lopez, manageable pa naman ang sitwasyon ngayon kahit na bumuhos na ang malakas na ulan.
May 98,000 family food packs o relief goods na ang dumating sa Region I o Ilocos region bilang pandagdag ng DSWD, maging ang iba pang relief goods para sa Region II sa Cagayan Valley; Region III sa Central Luzon; at Cordillera Administrative Region at maging sa Visayas region.
Bukod dito, sinabi ni Lopez na mayroon pang 689,000 family food packs ang naka-preposition sa buong bansa na nagkakahalaga ng mahigit kalahating bilyong piso.
Kasama aniya sa family food packs ang hygiene kits, family tents at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.