SAF sa Bilibid ayos lang para sa PNP chief

By Ruel Perez June 20, 2016 - 05:02 PM

New-Bilibid-Prison
Inquirer file photo

Walang nakikitang problema si outgoing PNP Chief Ricardo Marquez sa plano ng susunod na liderato ng PNP na gamitin ang Special Action Force (SAF) para magbantay sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon kay Marquez, bahagi umano ito ng tungkulin nilang mga pulis.

Paliwanag ng opisyal, bagaman ang NBP ay saklaw ng Bureau of Corrections (BuCor) ay may mga pagkakataon na nakakapag-deploy din sila ng kanilang pwersa na SAF kapag ito ay hiniling sa kanila.

Ani Marquez, maraming pagkakataon na rin na nagamit ang PNP-SAF Commandos ng BJMP o  Bureau of Jail Management & Penology para magbantay sa mga high-risk detainees.

Inire-request umano ang SAF para matiyak na masesecure ang preso at hindi ito makakakatakas.

Pero paglilinaw Marquez, karaniwan ay on temporary basis lamang anya ginagamit ang mga miembro ng PNP SAF.

Nauna ng ipinahayag ni incoming PNP Chief Ronald dela Rosa na gagamitin nito ang pwersa ng SAF sa loob ng NBP habang sinasanay pa ang mga prison guards.

TAGS: dela rosa, Marquez, NBP, PNP, SAF, dela rosa, Marquez, NBP, PNP, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.