Bodega ng imported forklifts sa Makati City ni-raid ng Customs Intelligence and Investigation Services

Sinalakay ng mga ahente ng Customs Intelligence and Investigation Service ang isang tindahan at bodega ng imported forklifts sa Gil Puyat Avenue, Makati City kaninang hapon.

Bitbit ng grupo ni Chief Alvin Enciso, ng CIIS – MICP, ang letter of authority mula kay Customs Comm. Bienvenido Rubio nang puntahan ang Paragon Trading and Service Corp.

Sinabi ni Enciso nakatanggap sila ng impormasyon na smuggled ang ibinebentang forklifts ng Paragon Trading at ang mga ito ay mula sa Japan.

Nabigo ang may-ari ng negosyo na iprisinta ang mga kinauukulang dokumento para sa mga inangkat na forklkifts kayat sinabi ni Enciso na may 15 araw ang negosyante para isumite ang mga dokumento.

Pagbabahagi pa ng opisyal, may impormasyon na matagal ng nagpapasok ng imported forklifts ang Paragon Trading at daan-daang milyong piso na ang nawalang buwis dahil sa “technical smuggling.”

Bantay-sarado ngayon ang tindahan at bodega at magbubukas lamang ito muli kapag napatunayan na dumaan sa tama at legal na proseso ang pag-aangjkat ng forklifts, na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 milyon ang bawat isa.

Read more...