OCD ready na sa Super Typhoon Betty

By Choan Yu May 25, 2023 - 03:49 PM

INQUIRER PHOTO

Nakaalerto na ang Office of the Civil Defense (OCD) sa papalapit na Super Typhoon Mawar.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Diego Agustin Mariano, Joint Information Center Head ng OCD, walang pahinga muna ang kanilang tauhan ibig sabihin, kanselado ang mga bakasyon.

“Kaya ang paghahanda po natin is hindi naman po tayo humihinto at patuloy lang nating ini-intensify ito kapag mayroon pong bagyo katulad nga po diyan iyong pagri-restock, pag-stockpile at pag-preposition po ng mga relief goods at ng mga non-food items buhat po galing po sa DSWD at sa amin po sa Office of Civil Defense,” pahayag ni Mariano.

Naka-standby na rin aniya ang mga rescue workers, mga responders, mga disaster workers, maging ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kahit hindi aniya magla-landfall ang bagyo, asahan nang hahatakin nito ang  habagat kaya payo ni Mariano sa publiko lalo na ang mga probinsya na nakaharap sa western seaboard mula sa bahagi ng Ilocos pababa sa Northern Mindanao na maghanda.

Nakahanda na rin aniya ang mga evacuation center na maaring paglikasan ng mga maapektuhang residente.

TAGS: ocd, rescue, super typhoon, ocd, rescue, super typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.