Sen. Robin Padilla umaming “olats” na ang Cha-cha

By Jan Escosio May 25, 2023 - 01:46 PM

SENATE PRIB PHOTO

Inamin ni  Senator Robinhood Padilla na patay na ang isinusulong na Charter change o ang Cha-cha sa Kongreso.

Partikular na tinukoy ni Padilla isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Itinuturo naman ng senador na dahilan sa tuluyang hindi na pagusad ng  Cha-cha ang gulo na namuo sa pagitan ng mga lider sa Kamara.

Hiwalay pa ito sa hindi pagsuporta ng marami sa mga senador dahil apat lang sa mga myembro ng PDP-Laban sa Senado ang lumagda sa kanyang committee report at ang ibang mambabatas na kasapi naman ng kanyang komite ay walang sagot o lagda.

Batid din ni Padilla na nabalewala na ang Cha-cha nang matapos na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Public Service Act at sa ngayon ay ito na muna ang kanilang babantayan kung ang batas ay magiging epektibo sa pagtaas ng foreign direct investments at paglago ng ekonomiya.

Isa rin sa babantayan ng senador ang Maharlika Investment Fund na sinasabi ring makapagpapataas ng investment sa bansa.

TAGS: Cha-Cha, Congress, Senate, Cha-Cha, Congress, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.